Pakikipanayam sa Isang Propesyonal

     Ano-ano ang ginagawa niyo pag off duty kayo? Kailangan bang nasa ospital kayo palagi? Ano-ano ang ginagamit ninyong code para malaman na mayroong emergency? Gaano katagal mag-aral ng medisina? Madali lang bang maging doktor? Anong pakiramdam kapag inaanunsiyo ang oras ng pagkamatay ng pasyente? 




    Ako si Princess Arenda, isang mag-aaral at kasama sa pakikipanayam ang kapwa mag-aaral na si Miguel Lopez. Aming tinanong si Dra. Ma. Cristina Lopez-Biscocho, isang Radiologist.



    "Nagpapahinga (mind and body). Gumagawa ng gawaing bahay (nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba). I do the things that I love to do (sketching, painting, reading a book, listening to music, watch movies, watching documentaries). Read books (about radiology and medicine) to refresh my memory and to learn more. Pray the rosary as often as I can."

"In my line of specialization, di kailangan nasa hospital lagi unless there are procedures (ultrasound/intra-op ultrasound guided procedures or emergency procedures). Since the advent of Tele-rad, CT/MRI scan and x-ray images can now be sent through e-mail and we can easily read them wherever we are," ani Dra.

"Usually color coding ang gamit sa hospital setting. Example, code BLUE kung may nagka-cardiac arrest," dagdag pa niya.

"4 years Pre-Med, 4 years Med Proper, 1 year Internship, Physician Licensure exam, 4-5 years Residency training (for specialization), 2-3 years Sub-specialty training , 9-10 years to become a general practitioner (licensed doctor), 3-5 more years or more if you want to specialize."

"Hindi madaling maging doktor. Unang una, kailangang ang puso at isip mo ay nasa pagdodoktor. It takes a lot of determination, patience, perseverance, sacrifice, tears and sweat, and most of all strong faith para maging doktor."

"It's never easy everytime na may mamamatay/namatay na pasyente at lalong napakahirap na sabihin sa mga kamag-anak ng pasyente na yumao na ang mahal nila sa buhay. We always feel the pain, and frustration of not being able to save a life pero kailangan pa din magpakatatag lagi," pagtatapos ni Dra. sa kanyang sagot.


Matatapuan sa larawan si Dra. Ma. Cristina Lopez-Biscocho (kanan), si Miguel Lopez (baba), at ako, si Princess Arenda (kaliwa).



GLOSARI
cardiac arrest - biglaang kawalan ng daloy ng dugo sa puso
code blue - mayroong pasyente o tao na pumasok sa cardiac arrest
CT scan - pagkuha ng larawan ng x-ray sa iba't ibang anggulo
emergency procedure - pagpaplano ng dapat gawin sa mga delikadong sitwasyon
internship - tagal ng trabaho na ibinibigay ng isang organisasyon
MRI scan - paggamit ng magnetic field at radio waves upang makita ang larawan ng mga buto laman Physician Licensure exam - pagsusulit na kinukuha ng mga nais maging propesyonal na physician
radiologist - medikal na doktor na nagsasagawa ng iba't ibang tests upang magamot ang pasyente ng tama
radiology - paggamit ng pang-medikal na larawan upang magamot ang sakit sa katawan
tele-rad - ginagamit ng mga medikal na institusyon upang maiparating ang CT/MRI scan report
ultrasound - ginagamit upang makagawa ng larawan ng loob ng katawan upang mahanap ang sakit
x-ray - ginagamit upang suriin ang mga buto upang malaman kung may problema rito o sa paligid nito

Comments

Post a Comment