Pakikipanayam sa Isang Propesyonal
Ano-ano ang ginagawa niyo pag off duty kayo? Kailangan bang nasa ospital kayo palagi? Ano-ano ang ginagamit ninyong code para malaman na mayroong emergency? Gaano katagal mag-aral ng medisina? Madali lang bang maging doktor? Anong pakiramdam kapag inaanunsiyo ang oras ng pagkamatay ng pasyente? Ako si Princess Arenda, isang mag-aaral at kasama sa pakikipanayam ang kapwa mag-aaral na si Miguel Lopez. Aming tinanong si Dra. Ma. Cristina Lopez-Biscocho, isang Radiologist. "Nagpapahinga (mind and body). Gumagawa ng gawaing bahay (nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba). I do the things that I love to do (sketching, painting, reading a book, listening to music, watch movies, watching documentaries). Read books (about radiology and medicine) to refresh my memory and to learn more. Pray the rosary as often as I can." "In my line of specialization, di kailangan nasa hospital lagi unless there are procedures (ultrasound/intra-op ultrasound guided procedures o